Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

PDRRMC, Nag papaalala sa publiko na maging alerto sa lahat ng oras

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ September 3, 2014) ---Muling nagpaalala ngayon ang pamunuan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council sa publiko na maging alerto sa lahat ng oras.

Ginawa ni PDRRMC Head Cynthia Ortega ang pahayag sa DXVL News matapos ang nararanasang mga pagbabaha sa limang mga bayan sa lalawigan ng Cotabato.


Partikular na sinalanta ng pagbabaha ang mga bayan ng Tulunan, Kabacan, Pikit at Midsayap.

Sa Tulunan naman sinabi ni Ortega na abot sa mahigit sa walong daang mga pamilya ang nagsilikas buhat sa anim na mga barangay na naapektuhan ng pagbaha kungsaan sinabi naman ng opisyal na unti-unti nang nagsibalikan ang mga residenteng naapektuhan ng pagbabaha.


Naiulat din ang Flash Flood sa bayan ng Antipas at Landslide naman sa ilang barangay ng Arakan ayon kay Ortega, bagamat wala namang may naiulat na casualties doon.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento