Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Dengue Shock Syndrome, dahilan ng pagkamatay ng 6-anyos na bata sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ September 2, 2014) ---Tinamaan ng dengue shock syndrome ang isang anim na taong gulang na bata dahilan ng pagkamatay nito.

Unang naisugod sa ospital sa Kidapawan ang biktimang si Jolly Mansera ng Madrid Subdivision ng lungsod.

Paliwanag naman ni Kidapawan City Health Officer Dr. Joy Incencio na posibleng tumama sa biktima ang dengue shock syndrome dahil sa bilis nitong nawalan ng platelet at tila na-drain ang kidney nito.

Bago nito, nanatili ng tatlong araw si Mansera sa pagamutan ng lungsod bago itinakbo sa Davao City.

Pagdating ng Davao ay inoperahan sa kidney si Mansera dahil mula sa 270 na platelet nito ay bumagsak na lamang ito sa bilang na pito.

Pagsapit ng alas dyes ng gabi ay binawian na ito ng buhay.

Dahil sa pangyayari ay muling pinaalalahanan ni Incencio ang publiko na maging malinis sa katawan lalong-lalo na sa kapaligiran.

Sinabi rin nito na ang maagap na pagkokonsulta sa doctor ay makakatulong rin sa paglala ng sakit sakali mang may nararamdamang sintomas na ang isang tao ng dengue. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento