By: Roderick Rivera Bautista
(Midsayap, North Cotabato/ September 5, 2014)
---Nagsimula nang tumanggap kahapon ng kanilang stipends ang government interns sa Unang Distrito ng North
Cotabato.
Natanggap nila ito sa pamamagitan ng local
money transfer sa iba’t- ibang bayan sa PPALMA area.
Ayon kay Sheril Gay Licera, isang government
intern na nagsisilbi sa lokal na pamahalaan ng Alamada, bagaman naghintay sila
ng higit isang buwan ay nagagalak siya at dumating na ang kanilang mga sahod.
Kung matatandaan, ang first stipend ng
government interns ay ipinamahagi noong July 21 kung saan mismong si DOLE XII
Regional Director Ofelia Domingo ang nanguna sa distribusyon ng mga tseke.
Ang DOLE- GIP ay isang programang nagbibigay
ng pagkakataon sa mga fresh graduates na makapagtrabaho sa gobyerno at ma-
expose sa larangan ng paglilingkod sa bayan.
Sa unang distrito ng North Cotabato,
magkatuwang itong ipinapatupad ng DOLE North Cotabato Field Office sa
pakikipagtulungan ng tanggapn ni Cong. Jesus Sacdalan at mga local government
units and line agencies. DXVL News
0 comments:
Mag-post ng isang Komento