(USM, Kabacan, Cotabato/
September 1, 2014) ---Nakuha ng University of Southern Mindanao ang kampeonato
sa katatapos na Provincial Skills competition sa larangan ng tourism sector na
isinagawa sa USM Compound, Kabacan, Cotabato nitong Sabado.
Sa ulat ni event Coordinator
Shirl Mae Malacad Bebit na naka-kuha ng 230 points ang USM sinundan ng
University of Southern Mindanao-Kidapawan City Campus ng 160 Points na
itinanghal na 1st Runner up habang 70 points naman ang nakuha ng
I-Link College of Science and Technology.
Sa larangan naman ng ICT
sector, overall champion dito ang Notre Dame of Midsayap college at colegio de
Kidapawan, 1st runner up ang USM Kabacan Main campus, 2nd
Runner Up ang southern Baptist College, 3rd ang USM KCC, 3rd
ang I-link College of Science and Technology at 4th naman ang
Kidapawan Doctors College.
Dumalo din sa nasabing
aktibidad si Gov. Lala Mendoza, USM Pres. Francisco Garcia kungsaan bahagi ito
ng Centennial Celebration ng Kalivungan Festival. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento