Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Prof. na hindi pinapasok sa tanggapan ng Office of the President ng CFCST, para sana dumalo sa gagawing accreditation, nagreklamo

(Arakan, North Cotabato/ September 4, 2014) ---Dismayado ngayon si Dr. Harris Sinolinding ng Cotabato Foundation College of Science and Technology o CFCST matapos na hindi ito pinapasok sa gagawin sanang accreditation sa nasabing paaralan kahapon ng umaga.

Sa eksklusibong panayam ng DXVL News kay Dr. Sinolinding pinatawag umano siya ng Pangulo ng CFCST upang dumalo sa gagawing accreditors meeting bilang bahagi ng accreditors team ng AACUP sa tanggapan ni Dr. Samson Molao, pangulo ng CFCST.

Nang pumunta na sa admin si Dr. Sinolinding at nagtanong sa guwardiya kungsaan ang venue ng nasabing pagpupulong, kinausap umano siya ng guwardiya na kinilalang si Guiamal kasama si Mandy Kalanduyan at sinabihan na hindi siya maaring dumalo sa nasabing pulong dahil banned umano siya ng Presidente.

Ang pinagtataka ni Dr. Sinolinding ay kung bakit ito siya pinagbawalang dumalo sa meeting at sa katunayan aniya ay kasama siya sa mga accreditors team.

Dahil dito, ibinunyag na opisyal na mayroon ng hindi magandang ugnayan sila ng Presidente simula ng humiling ng masusing imbestigasyon sa Pangulo ng Pilipinas ang mga faculty at estudyante sa nasabing lugar sa nangyaring pagpapasabog sa CFCST.

Bagay namang pinagalitan siya at tinanggal bilang dekano ng College of Arts and Sciences nitong Pebrero a-3 ng kasalukuyang taon at inilipat sa Datu Montawal Campus. 

Hindi rin nagtagal si Dr. Sinolinding at isang araw lang itong nagreport at agad na nag-resign.

Planu ngayon ni Dr. Sinolinding na ipaalam sa Commission on Higher Education o CHED at Civil Service Commission ang oppression na ginagawa sa kanya ng pamunuan ng CFCST.

Samantala, itinanggi naman ni CFCST Pres. Dr. Samson Molao ang nasabing alegasyon.

Aniya, nagkaroon lamang umano ng miscommunication sa kanila.


Ito dahil sa hindi naman sinabi ni Dr. Molao na banned siya kundi huwag lang muna sumali sa meeting dahil on going ang kanilang pagpupulong at mali ang impormasyon na ipinabatid ng kanyang staff kay Dr. Sinolinding. Rhoderick Beñez 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento