Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

MDRRMC Pikit, patuloy na naka alerto sa anumang kalamidad sa lugar, mga binahang barangay sumampa na sa 19

(Pikit, North Cotabato/ September 1, 2014) ---Pumalo pa sa 19 na mga barangay ang sinalanta ng tubig baha dahil sa nakaraang pagbuhos ng malakas na ulan sa bayan.

Ito ang kinumpirma sa DXVL News ni Pikit MDRRMC Head Tahira Kalantongan kasabay ng pagtitiyak nito na nakahanda ang kanilang tanggapan sa anumang kalamidad.

Una ng sinabi ng opsiyal na patuloy silang naka alerto sa mga di inaasahang kalamidad.

Batay sa pinakahuling datos na nakuha ng DXVL News abot na ngayon sa 5,352 ang bilang mga  mga pamilya na sinalanta ng mga pagbabaha sa bayan ng Pikit, particular na dito ang mga nasa low lying areas.

Kaugnay nito unti unti namang humuhupa ang baha, pero sinabi ng opisyal na kapag bumuhos uli ang malakas na ulan, aasahan na madadagdagan ang naturang bilang.

Kabilang sa mga barangay na binaha ay ang Inig-ug, Talitay, Bagoenged, Rajahmuda, Buliok, Barungis, Kacsalan, Bulol, Paidulpulangi, Punol, Macasendeg, Katilacan, Poblacion, Ladtingan, Nabundas, Balabak, fort Pikit at Pamalian.

Sa ngayon, panawagan ng opisyal sa mga residente na maging mapagmatyag sa kanilang paligid at agad na lisanin ang lugar kapag muling raragasa ang tubig baha.

Samantala karamihan naman sa mga lugar sa Pagalungan ay lubog din sa tubig baha nitong Biyernes matapos na umapaw ang tubig sa ilog sa naturang lugar. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento