(Amas, Kidapawan City/ September 2, 2014)
---Tinanghal na kampeon ang Grupong Midyayong ng Midsayap Dilangalen National
High School sa katatapos lamang na Kalivungan Festival Street Dancing and
Showdown competition sa Provincial Sports Complex, Amas, Kidapawan City ngayong
araw sa pagdiriwang ng ika-100 taon o centennial ng Cotabato.
Nanguna ang Grupong Midyayong sa score
sheets ng mga judges dahil sa performance kabilang ang mahusay na
synchronization, coordination, style at execution.
Nag-uwi ng premyong P150,000 at trophy ang
Grupong Midyayong ng Midsayap mula sa Provincial Government of Cotabato.
Nagwagi naman bilang 1st runner up and
Tribong Mauswago ng Alamada na tumanggap ng P100,000 at trophy, 2nd runner up
ang Tribong Maguindanaon ng Aleosan na tumanggap ng P75,000 at trophy, 3rd
runner up ang Grupong Kabakeño ng Kabacan na tumanggap ng P20,000 at 4th
runners up naman ang Sabuyakan ng Matalam at Grupong Carmen ng Carmen na kapwa
tumanggap ng tig-P20,000 at trophies.
Lahat sila ay tumanggap rin ng karagdagang
P20,000 bawat isa bilang augmentation ng Provincial Government of Cotabato para
sa kanilang mga nagastos sa patimpalak.
Samantala, tinanghal naman na kampeon sa
Mindanao Open category ang Mati City, Davao Oriental na nagpakita ng ibayong
husay ng performance. Nakapag-uwi ng P350,000 at trophy ang Mati City
group. Sila rin ang naging kampeon sa
katatapos lamang na Kadayawan Indak-Indak sa Dalan sa Davao City.
Nagwagi naman bilang 1st runner up ang
Edward National High School ng T’boli, South Cotabato na tumanggap ng P 250,000
at trophy at 2nd runner up ang Polomolok, South Cotabato group na tumanggap ng
P150,000 at cash.
Pinasalamatan naman ni Gov. Emmylou “Lala”
J. Taliñ-Mendoza ang lahat ng mga lumahok sa street dancing showdown. Ayon sa
gobernadora, ipinakita ng bawat grupo ang angking husay ng bawat Cotabateño na
nagbigay daan naman upang lalo pan pagyamanin ang kultura at tradisyon ng mga
tao sa Cotabato.
Humigit-kumulang sa 50,000 tao ang dumagsa
sa Provincial Capitol ngayon upang panoorin ang street dancing and showdown at
makiisa sa iba’t-ibang mga aktibidad kaugnay ng culmination day ng centennial
ng Cotabato Province. Jimmy Sta. Cruz
0 comments:
Mag-post ng isang Komento