By: Roderick Rivera Bautista
(Amas, Kidapawan City/ September 3, 2014)
---Sinariwa ni dating Cotabato Empire Province Governor Simeon Datumanong ang
malalim na pagkakapatiran ng mga Lumad, Muslim at Christian Settlers sa kanyang
talumpati sa Culmination Program ng ikasaandaang anibersaryo ng Lalawigan ng
Cotabato kahapon.
Sa harap ng libu- libong tao ay binigyang-
diin ni Datumanong na sa panahon ng kaniyang pamumuno ay nakita niya ang
pagkakaisa at ugnayan ng mga mamamayan sa buong imperyo ng Cotabato.
Nabatid na ang dating Cotabato Empire
Province ay hinati na siyang nagbigay- daan upang maisilang ang mga lalawigan
ng South Cotabato, Sultan Kudarat, Maguindanao at Saranggani.
Hinikayat naman ng dating gobernador ang mga
Cotabateá¹…o na magkaisa at pahalagahan ang pagkakapatiran na magsisilbi umanong
tulay ng bawat isa upang lalo pang pang mapaunlad ang lalawigan.
Pinapurihan din ni Datumanong ang mga
nagsilbing lider ng lalawigan upang makamit ang kapayapaan at kaunlarang
nararamdaman nito ngayon.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento