Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga militanteng grupo ng Kabataan, mariing kinokondena ang suportang ibinigay ng pamahalaang nasyunal sa mga SUC’s

Nagpahayag ngayon ng pagkabahala ang mga progresibo at militanteng grupo ng mga kabataan sa North Cotabato dahil sa kakulangan ng suporta sa edukasyon ng pamahalaang nasyunal sa pagbubukas ng 2nd semester ngayong SY-2011-2012.

Sa report, 24 na bilyon diumano ang kinaltas para sa budget sa sector ng edukasyon bagay naming inalmahan ng grupo ng Anakbayan at iba pang grupo.

Sinabi ni AnakBayan spokesperson Darwin Rey Morante na ang pagkaltas sa pondo ng gobyerno sa edukasyon ay isang mukha ng “state abandonment” na nagging dahilan na rin ng paghihigpit ng sinturon ng mga State Universities and Colleges (SUC’s).

Iginiit ng militanteng  grupo na kapag nagpatuloy ang pagbaba ng subsidiya ng pamahalaan sa edukasyon ay magbubunsod diumano ito ng mas istriktong implementasyon ng mga iskema para sa tuition and financial assistance ng bawat pamantasan, bunsod nito ang pagtaas ng matrikula.

Pahayag rin ni Abdulrahman Malabana, tagapagsalita ng grupong League of Filipino Students (LFS) marapat lang diumano na kalampagin ng mga kabataan at estudyante ang kasalukuyang administrasyon upang iprayoritisa ang edukasyon higit saan pa man.

Habang patuloy na lumalaki diumano ang inilalaan ng gubyerno sa pambayad utang panlabas ay tumitindi naman ang pagbagsak ng subsidyo ng pamahalaan sa panlipunang serbisyo kabilang ang edukasyon.


 Mahigpit na mga komento rin ang ipinukol ng grupo ng mga manunulat pangkampus sa kasalukuyang rehimen sa usapin ng pagkaltas ng pondo sa edukasyon.

Ayon kay Jenifer Cardo ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) mas nagiging manhid at inutil diumano ang administrasyong US-Aquino sa tunay na hinaing ng mga kabataan at estudyante. Taon-taon diumano ay lumalala ang kalagayan ng mga estudyanteng di na makapag enrol dahil sa napakataas na halaga ng matrikula.

Iginiit ng grupong CEGP ang pag aaral mula saNational Statistical Coordination Board (NSBC) na nagsasabing 83% ng mga estudyanteng nasa unang taon ay hindi diumano makakapagtapos ng kolehiyo.

Nagsumite rin sa Committee on Appropriations sa Kamara si Kabataan Representative Raymond Palatinong petisyon ng mga estudyante upang ibigay ang kinakailangang pondo para matustusan ang edukasyon ng kabataan.

Ang mga progresibo at militanteng grupo ng mga kabataan at estudyante ay nakatakdang maglunsad ng serye ng mga pagkilos upang muling ibalik at ipakita ang kolektibong lakas ng mga kabataan upang kalampagin ang kasalukuyang administrasyon at kilalanin ang kagalingan at karapatan ng kabataan sa edukasyon.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento