Manhunt operation sa kamag-anak ng Mayor ng Aleosan na dinukot, nagpapatuloy
Agad na ikinasa ng mga awtoridad ang isang rescue at manhunt operation para sa biktima at mga abductors ng inakalang anak ni Aleosan Mayor Loreto Cabaya ng Nort Cotabato makraang madukot ala 1:00 ng madaling araw nitong Sabado.
Ayon kay Eastern Mindanao Command (EastMinCom) spokesperson Col. Leopoldo Galon, mismong si Mayor Loreto Cabaya ng Aleosan, North Cotabato ang nagbigay sa kanila ng impormasyon ukol sa pagkidnap sa isa sa kanyang mga kamag-anak.
Sinasabing napagkamalan umano ng mga dumukot kay Romy Cabaya, 23, na anak ito ng alkalde kaya ito dinukot.
Ang dinukot na si Cabaya ay nagtatrabaho bilang helper sa pamilya ni Mayor Cabaya kapalit ng pag-aaral nito sa kolehiyo.
Sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na sana si Cabaya sakay ng habal-habal mula sa Midsayap nang dukutin ng mga armadong kalalakihan dakong ala-una ng madaling-araw noong Sabado sa brgy. Dualing ng nabanggit na lugar.
Walang nagawa ang biktima matapos tutukan ng baril at kaladkarin pasakay sa Isuzu pickup.
Ang mga dumukot ay sakay sa isamg L200 Mazda kulay stripe blue at may plate number PRV 419, ayon sa report ni PSSupt. Cornelio Salinas, Provincial director ng Cotabato Provincial Police Office.
Samantala, natagpuan naman ang sasakyan na sinunog sa tabing kalsada ng Sitio Resingan, Brgy. Dunguan ilang oras matapos dukutin ang biktima.
Sa impormasyon ipinarating ng committee crisis na itinatag, sinabi sa DXVL ni Spokesperson Gallado na hanggang sa ginagawa ang balitang ito kagabi ay wala pa umanong may nangyari sa negosasyon nila kahapon at wala pa umanong malinaw na motibo ang mga abductors sa pagdukot sa biktima.
DXVL Staff
...
Linggo, Nobyembre 20, 2011
No comments
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento