Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga kabataan mula sa iba’t-ibang sector sa North cotabato; bubuo ng “Idol ko si Fr. Pops movement” para sa pinaslang na italyanong pari sa Arakan

Bubuuin ng mga kabataang sumusuporata kay Fr. Pops, ang 59 years old na   pinaslang na italyanong pari sa Arakan, North cotabato ng  IDOL KO SI POPS MOVEMENTS, para  maipagpatuloy ang nasimulan nito.

Ito ay isang organisasyon ng mga kabataang  mula sa iba’t- ibang  sector  kung saan naging bahagi  ng buhay at misyon ni Fr. Pops ang organisasyong ito ay naglalayong  makamit  ang hustisya sa pagkamatay ni Fr. Pops at para na rin sa iba pang biktima na di pa nakamit ang hustisya dito sa Pilipinas.

Magsisimula bukas ang mga programa hinggil dito:

Nov. 23- “Jog for Justice”- takbo para sa pagkamit ng hustisya para kay fr. Pops at ang pag- alala sa 2nd year anniversary ng  Maguindanao Massacre.
Nov. 24- “Forum on Peasant, Indigenous people situation at IDOL KO SI POPS (IKPM) - Kidapawan- sa USM, KCC, Social Hall.
Nov.25- Picket rally, para sa pagdiriwang ng 40 days ni Fr.Pops
Nov.27- Pilgrimage mula sa lungsod ng davao papuntang arakan kasama ang mga membro ng multisectoral at international solidarity mission.
Nov. 28- medcal mission at burial visitation

Napag- alamang sya  ay binaril patay noong October 17, 2011 alas 8:00 ng umaga habang nasa loob ng sasakyan papuntang  Kidapawan City . Si Fr. Fausto Tentorio ay isang taong nagbigay ng buong serbisyo sa Diyos at paglilingkod sa taong bayan ay naniniwalang sa sama- samang  pagtutulungan  ng mga mamamayan, makakamit ang pagbabago at ang karapatang makapag aral ay para sa lahat ng tao.
.
Isa sa mga rason ng pagtatatag ng organisayong ito ay ang panghihikayat ni Fr. Pops  sa kanyang huling bilin… “Ang imong pangandoy, akong pangandoy ug ang imong pakigbasog , akong pakigbasog: Busa ikaw ug ako, usa ra. Kauban sa pangandoy sa ginharian sa Diyos”. (with reports from Blessie Mae Albarracin) 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento