DXVL Staff
...
Huwebes, Nobyembre 24, 2011
No comments
US Ambassador to the Philippines Harry Thomas, Jr., nagpaabot ng mensahe kaugnay ng ikalawang taong anibersaryo ng Maguindanao Massacre
“Pakikiramay para sa mga kapamilya at kaibigan ng mga napaslang sa Maguindanao massacre” – ito ang pangunahing laman ng mensaheng ipinaabot ni US Ambassador to the Philippines Harry Thomas Jr. kahapon, November 23, 2011 kaugnay ng ikalawang anibersaryo ng insidente.
Sa kanyang mensahe, sinabi niya na bukas ang Estados Unidos sa pangako mula kay Pangulong Aquino na maihain ang hustisya laban sa mga namuno sa karumal-dumal na krimeng ito.
Laman rin ng kanyang mensahe ang pagpupuri sa mga miyembro ng Philippine National Police, Department of Justice, at Korte na nagsisikap para pabilisin ang usad ng kaso laban sa mga gumawa nitong kakila-kilabot na karahasan.
Pinapurihan rin nya ang tapang ng mga witness sa kabila ng mga banta at pananakot na kanilang natatanggap. Kanya ring ipinarating ang pagpupugay sa mga mamamahayag, mga pulitiko, at mga leader ng komunidad na nag-abot ng kanilang tulong para sa mga biktima.
Sa huli, sinabi niya na patuloy nilang alalahanin ang mga biktima ng walang awang karahasan na ginawa sa Maguindanao dalawang taon na ang nakakaraan at hindi rin sila titigil sa pagsigaw ng hustisya upang maparusahan ang mga dapat managot sa nangyari.
(Donvar Diamante)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento