Agri-Eskwela Radio Program Launching, Isasagawa sa DXVL-FM
Isasagawa ang launching ng programang AGRI-ESKWELA sa himpilang DXVL FM sa Sabado - November 26, 2011. Ito ay ilulunsad sa pamamagitan ng Department of Agriculture Regional Field Office 12, Agricultural Training Institute 12, Office of the Provincial Agriculturist sa lalawigan ng North Cotabato sa pakikipagtulungan ng Office of the Municipal/City Agriculturist ng bawat bayan.
Tampok sa palatuntunang ito ang mga updates sa mga programa ng DA, OPA at line agencies. Kasama rin dito ang mga makabagong kaalaman tungkol sa agrikultura, fisheries, livestock at poultry production. Bahagi ng radio program ang talakayan hinggil sa makabagong teknolohiya, mga balita at mga kaalamang pang-agrikultura.
Kasabay ng paglulunsad ng programang AGRI-ESKWELA ay ang school-on-the-air para sa mga 4H Club at Rural Improvement Club members ng lalawigan na nakapaloob sa nabanggit na programa.
May mga special topics sa programa na tatalakayin patungkol sa ibat-ibang recipes ng bigas, mais at gulay. Ang mga rehistradong kalahok sa school-on-the-air ay inaasahang makinig ng palagian sa programa tuwing Sabado at Linggo alas siyete y media hanggang alas otso ng umaga.
Ang mga partisipante ay sasagot ng mga katanungan pagkatapos matalakay ang bawat topic sa pamamagitan ng text. Ira-raffle ang mga entries ng may tamang kasagutan at pagkakalooban ng papremyo ang apat na mananalo sa bawat araw ng broadcast ng programa.
Magkakaroon din ng post-test at general evaluation sa mga kalahok ng school-on-the-air. Nakatakdang magtapos ang mga graduates ng SOA sa Enero ng 2012.(From Provincial Correspondents for Agriculture RUEL L. VILLANUEVA)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento