DXVL Staff
...
Huwebes, Nobyembre 24, 2011
No comments
Mga programa para sa 59th Founding Anniversary ng Barangay Poblacion Kabacan at 13th Panagyaman Festival 2011, niluluto na!
Suportado ni Municipal Mayor Hon. George B. Tan at mga opistales nito ang pagdiriwag ng 59th Founding Anniversary ng Brgy. Poblacion ng Kabacan at ang 13th Panagyaman Festival 2011.
Magsisimula ang nasabing selebrasyon bukas, November 25 kung saan isasagawa ang Diana sa ganap na ika 4:30 ng umaga, dito, sasakay ang buong miyembro ng Brgy. Council at Staff sa isang pick up at maglilibot sa Poblacion habang magpapatogtog ng musika. Kasabay nito, magsisimula rin ang Vidoe K sa Barangay na gaganapin sa Herni C. Guzman Hall sa ika alas 5 ng hapon. Sa araw ng Lunes, November 28, isasagawa rin ang thanksgiving service sa ala 6 ng umaga at susundan ng medical services, volleyball game sa ika 1:30 ng hapon at Little Miss Brgy. Poblacion sa ika 3 ng hapon sa KPCS covert court.
Sa huling araw ng Foundation, Martes, November 29 taong kasalukuyan, magsisimula ang Grand Parade sa ika 6 ng umaga at iba pang fiesta program na gaganapin sa KPCS covert court.
Binigyang diin ang kahalagahan ng pagkakaisa ni punong barangay at and over-all chairman ng aktibidad na ito Hon.Herlo P. Guzman, Jr. habang nanghihikayat ito sa mga mamamayan ng Kabacan na saksihan ang pagdiriwang na ito.Kampante rin boung working committee na magiging matagumpay ang selebrasyong ito, lalo na sa aspeto ng seguridad dahil dadating ang 7IB sa pamumuno ni L. Beunabentura katulong ang PNP kabacan.
Matatapos ang nasabing programa sa pamamagitan ng ng Disko ng Brgy sa Municipal Gym gaganapin. ( Blessie Mae N. Albarracin)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento