Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

DXVL (The Morning News)
November 22, 2011

MILF gumagawa na ng aksyon para mapakawalan ang kamag-anak ng Mayor ng Aleosan na dinukot

Gumagawa na ngayon ng aksyon ang pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front para sa agarang pagpapalaya sa kamag-anak ni Aleosan Mayor Loreto Cabaya na dinukot ng mga armadong kalalakihan noong Sabado ng madaling araw.

Ito ayon kay LMT-MILF Cotabato chairman Jabib Guibar sa isinagawang Municipal Peace and Order Council – Crisis Management Council (MPOC-CMC) meeting na pinangunahan mismo ng alkalde, pulisya, military at ilang mga kasapi ng media at ilang mga opisyal ng lalawigan na pinangunahan nina Board members ng Cotabato 1st district na sina board member Sorupia, board member Concepcion at board member Dulia Sultan.

Sa report na ipinarating ni PSSUPT Cornelio Salinas, Police Provincial Director ng North Cotabato nabatid sa nasabing pagpupulong ang paglalabas ng isang resolusyon para sa mga nasasangkot na ahensya.

Ito ay para maresolba ang sitwasyon, maiwasan ang gulo at mapreserba ang usaping pangkapayapaan.

Samantala sinabi naman ni CMC chairman Gallado na ang pagpreserba ng usapang pangkapayapaan sa pamamagitan ng ceasefire sa dalawang panig ang pinakamabisang paraan para maiwasan ang anumang karahasan sa lugar.

Kung maalala dinukot si Romy Cabaya, 23, matapos itong mapagkamalang anak ng alkalde ng Aleosan ala 1:00 ng madaling araw sa Brgy. Dualing ng nabanggit na bayan.

Mag-aapat na araw na ngayong hawak ng kanyang mga abductors ang biktima subalit hanggang ngayon ay wala pang tugon na natatanggap ang CMC ng LGU Aleosan, nag-alala na rin ang kamag-anak ng biktima sa kalagayan ni Romy doon.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento