Personal grudge nakikitang motibo ng mga otoridad sa nangyaring pamamaril sa loob ng Weena Bus na ikinasugat ng 2 inspector
Posible umanong personal grudge ang nangyaring pamamaril sa loob ng Weena Bus line dakong alas 9:30 ng umaga na naganap sa National Higway na may 200 metro ang layo mula sa Kabacan Public terminal na ikinasugat ng dalawang mga inspector.
Ito umano ang anggulong tinitingnan ni P/Supt. Joseph Semillano, hepe ng Kabacan PNP.
Kinilala ng Kabacan PNP ang mga biktima na sina Sato Kambang residente ng Dunguan, Layog at isang Tonyfel na residente ng Datu Montawal kapwa nasa lalawigan ng Maguindanao.
Batay sa report, sakay umano ang suspek sa nasabing Bus na may plate number MVZ 380 at body number V 94, isang aircon unit at pagdating sa National highway ng pipick-up na ng isa pang inspector na naka-abang ay biglang bumaba ang suspek at paghinto ng sasakyan doon binaril ang target na swerte namang di napuruhan at agad na naisugod sa Kabacan Medicak Specialist.
Dahil sa lubha ng sugat na natamo ng mga biktima, inilipat ang dalawa sa Kidapawan Medical Specialist.
Narekober mula sa pinangyarihan ng insedente ang ginagamit na uri ng armas na .45 pistol, batay naman sa mga empty shell na nakuha ng mga pulisya.
Habang ang dalawang mga salarin naman ay mabilis na tumakas sakay sa isang get away single motorcycle na nakaabang na sa erya kasama ang apat pa na mga back-up na riding in tandem papalayo sa papuntang Montawal erya.
Nabatid ng mga pulisya na ang gunman ay sakay sa isang kulay itim na HDIII Kawasaki Bajaj.
Aminado naman si Semillano na di nila kayang bantayan ang lahat ng erya lalo ang National Highway kaya, mahigpit nitong ipinapayo sa mga Bus company na kung maaari ay wag mag-pick up ng mga pasahero along National Highway dahil karamihan doon nangyayari ang mga krimen.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento