JIMMY
STA. CRUZ
AMAS,
Kidapawan City
(June 13) – Nagtipon-tipon ang mga miyembro ng Provincial Development Council o
PDC at Provincial Peace and Order Council Meeting o PPOC sa joint meeting na
ginanap sa rooftop ng Provincial Capitol main building sa Amas, Kidapawan City
noong June 12.
Pinangunahan ni Gov. Emmylou “Lala” J.
Taliño-Mendoza ang mahalagang pagpupulong kung saan tinalakay ang nangungunang
update sa development at peace and order sa lalawigan ng Cotabato.
Nagbigay ng kani-kanilang report ang mga PDC
at PPOC members na kinabibilangan ng DILG, DepED, DTI, DENR, DPWH at iba pa sa
hanay ng PDC at AFP, PNP at BFP naman at iba pa sa hanay ng PPOC.
Partikular na tinalakay ang naganap na
pananalakay ng NPA sa President Rojas municipal station noong May 20, 2014 at
ang magkakasunod na bakbakan sa Sitio Nazareth, Barangay Amas, Kidapawan City ngayong
linggong ito.
Nagbigay naman ng report ang PNP at AFP sa
mga hakbang na kanilang ginagawa upang maprotektahan ang mga sibilyan laban sa
pananalakay ng mga armadong grupo at kung ano ang mga aksiyong ginagawa para di
na lumala pa ang tensiyon.
Tampok rin sa joint meeting ang pagbibigay
ng parangal sa Pres. Rojas PNP dahil sa magiting nitong pagtatanggol sa kanilang
station laban sa NPA.
Si PSINP Bernabe T. Rubio at kanyang mga
tauhan ang tumanggap ng parangal na iniabot naman ni Board Member Kelly Antao,
Chairman ng Peace and Order Committee ng Sangguniang Panlalawigan ng Cotabato.
Pinarangalan din sa meeting ang 4 na mga
medalists mula sa Cotabato province sa katatapos lamang na Palarong Pambansa
noong Mayo.
Si Cot. Schools Division Superintendent Dr.
Omar A. Obas ang nanguna sa pagbibigay ng parangal sa mga kabataan kasama si
Gov. Taliño-Mendoza.
Ginawa din ang distribution ng “Timbangan ng
Baya” sa bawat munisipyo sa pangunguna ni DTI Provincial Director Engr. Anthony
Bravo.
Dumalo sa naturang pulong sina PRO12
Director Sr. Supt. Lester O. Camba, Gen. Alan Arrojado, Commander ng 602nd
Brigade ng Phil. Army at Col. Ronald C. Villanueva, Commander ng 1002nd
Brigade. (JIMMY STA. CRUZ/PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento