(Kidapawan City/ July 15, 2015) ---Pinag-iingat
ni City Mayor Joseph Evangelista ang publiko laban sa mga expired na pagkain.
Ito ay matapos magkasakit ang may
dalawampung Grade 5 pupils ng Kidapawan City Pilot Elementary School mula sa kanilang nakain na expired durian
candy na diumano ay inilako sa loob ng kanilang eskwelahan ng isang hindi
nakilalang vendor noong nakalipas na Huwebes.
Magpapalabas na ng anusyo sa ilang himpilan
ng radyo si Mayor Evangelista na nananawagan sa publiko ng ibayong pag-iingat.
Dapat umanong sinusuri ang pakete ng
produktong pagkain at alamin kung may expiration date ito at kung kailan ma-e-expire.
Hinihikayat din ni Mayor Evangelista ang mga
magulang na pagsabihan ang kanilang mga anak na huwag basta bibili ng pagkain
sa mga nagtitinda na hindi accredited ng eskwelahan.
Kanya na ring ipinag utos sa Public Safety
Office na makipagtulungan sa mga kaukulang ahensya ng Pamahalaan sa paggawa ng
inspeksyon sa mga tindahan kung may presensya ng mga expired na food products.
Nagbabala si Mayor Evangelista na lubhang
mapanganib sa kalusugan ang expired na mga produktong pagkain at mananagot sa
batas ang sino mang mapapatunayang nagbebenta nito. (Kidapawan City LGU-Information Officer)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento