Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Klase, sinuspende sa bayan ng Carmen; 9 na after shocks naramdaman sa North Cotabato kahapon; gusali naman sa USM administration building nag-crack

(Kabacan, North Cotabato/ June 4, 2013) ---Muli na namang niyanig ng sunod-sunod na lindol ang probinsiya ng North Cotabato kahapon.

Batay sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS naitala sa kanilang data base ang siyam na pagyanig na nagsimula alas 4:08 ng madaling araw na may 5.7 magnitude, sinundan ito ng 4.0 magnitude alas 7:31 ng umaga kahapon, pag-patak ng alas 10:26 ng umaga muling inuga ang bayan ng Carmen ng 3.3 magnitude, ala 1:25 naitala ang 4.5 magnitude sa natura pa ring bayan.

Ala 1:41 niyanig muli ang bayan ng 2.9 magnitude na lindol kahapon, alas 3:14 ng hapon kahapon 2.8 magnitude, 3:16 2.7 magnitude alas 4:40 3.7 at ang pinakahuling pagyanig ay naitala kagabi 10:59 na may 3.6 magnitude, lahat ng mga pag-yanig ay tectonic ang pinagmulan, ibig sabihin ito ay paggalaw ng lupa.

Habang ginagawa ang balitang ito, naramdaman din ang ilan pang mga pagyanig sa Broadcast Center ng DXVL na nasa College of Arts and Sciences Building, USM compound, Kabacan, Cotabato.

Kaugnay nito, naireport din ang maraming crack sa gusali ng USM administration building, partikular na sa ikalawang palapag ng admin.

Sa ngayon, naglipat muna pansamantala ng opisina ang HRMO dahil sa mga malalaking bitak sa kanilang tanggapan, ito ayon kay HRMO staff mam Juvy Gesulga sa panayam sa kanya, maliban dito may mga bcrack din sa semento ang naireport din sa Admission and Records Office sa nakuhang impormasyon kay University registrar Lucia Cabangbang.

Samantala, ideneklara ngayon ng DepEd North Cotabato ang pagsuspende ng klase sa buong Carmen na sakop ang apat na distrito ng Cotabato Schools Division ito makaraang 23 mga silid aralan ngayon buhat sa tatlong mga paaralan sa bayan ng Carmen ang hindi pa maaring gamitin sa pagbubukas ng klase na nag-umpisa ngayong araw.

Ito makaraang nagkaroon ng malalaking bitak ang mga ito matapos na tumama sa lugar ang 5.7 Magnitude na lindol nitong Sabado ng gabi.

Ayon kay North Cotabato 1st District School Building in-charge Dionisio Costes malaki umano ang pinsala na tumama sa Kibudtungan National High School sa Brgy. Kibudtungan kungsaan ang dalawang palapag na classroom at ang walo pang silid aralan ay di pa maaring pwedeng gamitin.

Bukod sa nabanggit dalaw ring mga classrooms ang dir in maaring magamit sa Kimadzil elementary School mula pa rin sa bayan ng Carmen.

Nagpalabas ngayon ng order ang Cotabato Provincial Engineering Office na iabandona muna ang mga gusali na matinding tinamaan ng lindol.

Sinabi ni Engr. Hermie Daquipa ng Phivolcs Kidapawan Sub-office na naitala ang sentro ng pagyanig sa tatlong mga local faults na nasa Carmen-Bukidnon highway, Cotabato-Sendangan Fault sa Zamboanga del Norte at local fault sa Davao city.

Ang pagsama-sama ng paggalaw ng lupa ang dahilan ng mga nararanasang aftershocks at kung kailan ito maghinto, yun ang di pa batid ng phivolcs, ayon kay Daquipa. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento