(Matalam, North Cotabato/ May 8, 2013) ---Nakabalik
na sa kanilang mga tirahan ang mahigit sa dalawang daang mga pamilya na
nagsilikas nitong nakaraang araw matapos na maipit sa naganap na kaguluhan sa
Brgy. Marbel, Matalam, North Cotabato.
Ito ang kinumpirma ni Cotabato Provincial
Director S/Supt. Danilo Peralta sa panayam ng DXVL Radyo ng Bayan ngayong
hapon.
Sinabi ng opisyal na namagitan sa nasabing
kaguluhan ang International Monitoring Team o IMT, CCCH at ng Local Monitoring
Team na pinamumunuan ni chairman Jabib Guaibar kungsaan agad namang naresolba
ang hidwaan ng dalawang naglalabang grupo ng Moro National Liberation Front at
Moro Islamic Liberation Front o MILF.
Matatandaan na sumiklab ang bakbakan sa
pagitan ng dalawang grupo noong gabi ng Linggo na ikinasawi ng isa katao at nagresulta
sa pagkakalikas ng maraming residente sa lugar.
Sa ngayon napagkasunduan na maglagay ng
Peace keeping group para matiyak ang seguridad ng mga mamamayan sa brgy. Marbel
at din a maulit ang nasabing kaguluhan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento