Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Opisyal ng sundalo; patay, makaraang aksidenteng mabaril ang sarili sa Makilala, North Cotabato


(Makilala, North Cotabato/ May 10, 2013) ---Patay ang isang mataas na opisyal ng militar makaraang aksidente nitong mabaril ang sarili habang naglilinis ng kanyang service firearm sa loob ng mismong headquarters  ng 57th Infantry Battalion sa Makilala, North Cotabato, alas 7:30 kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni Civil Military Operations ng 57th IB Lieutenant Nasrullah Sema,  ang biktima na si Captain Elwood Balignasay, residente ng Antipolo City sa lalawigan ng  Rizal  at isang office staff ng battalion headquarters.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (Soco) North Cotabato lumalabas sa imbestigasyon na habang nililinis ni Baligsanay ang kanyang Kalibre .45 na pistol, aksidenteng nahulog ang baril sa sahig.

Ang impact ng pagkakahulog ng baril ang dahilan kung bakit pumutok ito at tinamaan ng ligaw na bala ang opisyal sa dibdib nito, ayon sa report ng SOCO.

Sinabi ni Sema na nag-iisa ang biktima ng maganap ang insedente.

Mabilis na isinugod ang biktima sa bahay pagamutan sa bayan ng Makilala pero ideneklara ng mga doctor si Balignasay na dead on arrival.
       
Inaalam pa ngayon ng mga otoridad kung may foul play sa pagkamatay ng sundalo.
       
Kaugnay nito, nagpaalala angmga otoridad sa mga kagawad ng mga mamamahayag na laging tratuhin na ang baril na hawak ay laging may lamang bala. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento