(Kidapawan City/ May 10, 2013) ---Kinilampag ng Civil Society groups mula
sa North Cotabato ang pamunuan ng Energy Development Corporation o EDC
makaraang nagsagawa ng kilos protesta ang mga ito at nagbarikada sa Mindanao
sub-office ng EDC sa Barangay Ilomavis, Kidapawan city kahapon.
Ang panawagan ng grupo ay ibigay na ang 25% load dispatch sa host city at
probinsiya.
Ayon kay Karapatan North Cotabato Jay Apiag, isang human rights group, naglagay sila ng human
‘barricades’: sa corner Quezon Boulevard at Sudapin road; at pangalawa sa
Barangay Ginatilan; at pangatlo sa Lake Agko sa Barangay Ilomavis malapit
lamang sa EDC production field.
Layon umano ng kanilang
pagbarikada ay immobilize ang operasyon ng EDC kahapon.
Pero dahil sa walang
permit angmga ito, tinaboy sila ng PNP Kidapawan at nauwi pa sa sakitan na
ikinasugat ni Apiag.
Kabilang sa mga sumama
sa nasabing protesta ay ang Makabayan at iba pang mga civil society groups na
suportado ng Kidapawan Power (K-Power), mga alyansang binubuo ng mga nasa
sektor ng negosyante, simbahan, academe, NGOs at iba pang institusiyon.
Ayon kay head convener
of K-Power Sister Lalyn Macahilo, OND tatlong punto ang kanilang hinihiling sa
gobyerno para masolusyunan ang krisis na dinaranas ng Kidaapwan City at ng
buong probinsiya ng North Cotabato at ng ilang bahagi ng Mindanao.
Una, dapat n mabigyan ng
25MW ang host city at probinsiya mula sa 100MW na total capacity ng EDC.
Pangalawa, ipahinto ang
pribatisasyon ng power industry ng bansa
partikular sa sa natitirang hydro-electric power plants na nasa Agus complex sa
Lanao del Sur at Pulangi, Bukidnon.
At pangatlo, nais ng
grupo na repasuhin o ibasura ang Energy Power Industry Reform Act na ayon sa
kanila ay naging dahilan ng lumalalang problema sa mga kunsumador ng kuryente
partikular na ang mataas na bayarin sa keryente na inaalmahan ng mga member
consumer. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento