(Kabacan, North Cotabato/ July 20, 2015) ---Naging
mapayapa sa kabuuan ang pagdiriwang ng Eid’l Fitr sa pagtatapos ng Ramadan. Ito
ang inihayag ni OIC PNP Chief PSI Ronnie Batuampo Cordero sa panayam ng DXVL
news.
Ayon kay PSI Cordero mas kakaunti ang putok
na narinig ngayong taon kumpara sa nakaraang taong pagdiriwang ng Eid’l Fitr.
Dagdag pa ng opisyal na nagbigay ng
seguridad at martial ang Kabacan PNP , force multiplier at BPATS sa mga
inikutan ng parada.
Nagpasalamat din si PSI Cordero sa himpilan
ng DXVL sa panawagan at kampanya na iwas paputok ng baril sa Eid’l Fitr.
Nagpasalamat din si PSI Cordero sa mga force
multipliers, baranggay officials at Local Government officials sa pangunguna ni
Mayor Herlo Guzman Jr. sa pagbibigay ng mga kailangang pangseguridad upang
maging matagumpay at mapayapa ang pagdiriwang ng Eid’l Fitr.
Samantala, mahigpit na ipinagbabawal ang
pagdadala ng di lisensyadong baril sa bayan ng Kabacan. Ito ay ayon kay OIC
Chief PSI Ronnie Cordero ng Kabacan PNP sa panayam ng DXVL news.
Ipinaliwanag ni PSI Cordero na kung hindi
umano hihigpitan ang kampanya sa pagdadala ng baril ay di mako-kontrol ang
shooting incident lalo na sa mga maymga kalaban o rido na magtatagpo sa bayan ng Kabacan.
Dagdag pa ni Cordero na medyo marami-rami na
rin ang nahulihan ng di lisensyadong baril simula nang mag umpisa siyang maupo
sa pwesto bilang OIC Chief ng Kabacan PNP.
Inihayag din ni PSI Cordero na nasampahan na
ng kaso sa paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearms ang magsasaka
na nahulihan ng di lisensyadong baril. Christine Limos
0 comments:
Mag-post ng isang Komento