(Kabacan,
North cotabato/May 9, 2012) ---Isang 26-anyos na tubong Kabacan, North Cotabato
ang ngayon ay mahahanay sa mga magagaling na mananaliksik sa larangan ng
Physics partikular sa Atomic Energy Commission ng kompanyang DITANET, isang
malaking research center sa bansang France.
Siya
si Cherry May Mateo, residente ng brgy. Katidtuan ng bayang ito.
Si
Mateo ay nagtapos ng kanyang high school sa University Laboratory School dito
sa USM at kumuha siya ng kanyang Bachelor
of Science in Physics sa University of the Philippines, Diliman, Quezon City.
Ang kanyang undergraduate thesis na optical characterization
of strained GaAs heterostructures ang naging mitsa ng kauna-unahang international
publication in a peer reviewed journal.
Sa ngayon, kasalukuyang nagtatrabaho ang dalaga bilang isang
research scientist sa nabanggit na kompanya.
Ang naturang kompanya ay nagsasaliksisk ng mga may kinalaman
sa nuclear energy, biology, technology, climatology at iba pa.
Isa na rin dito ang pagtutok nila sa nuclear energy bilang sulosyon
sa lumalalang krisis sa enerhiya sa bahaging ito ng Mindanao at ang problema sa
mataas na bayarin sa singil ng kuryente. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento