(Matalam, North Cotabato/May 11, 2012) ---Para
kay Judge Alexander Yarra, naging intervener ng isinagawang Public Hearing ng
Cotabato Electric Cooperative o Cotelco, nitong Miyerkules mas mabuti anyang
isusulong ng kooperatiba ang paglalagay ng geothermal Power Plant sa Mt. Apo na
patatakbuhin ng Cotelco upang magkaroon ng sapat na supply ng kuryente sa North
Cotabato.
Ito ang naging reaksiyon ng opisyal sa
isinagawang public hearing ng Cotelco hinggil sa balak na dagdag singil sa
bayarin ng kuryente sa susunod na limang taon na .37 centavos kada kilowatt
hour.
Matapos dinggin kamakalawa ng Energy
Regulatory Commission ang ERC Case No. 2012-025 ng Cotelco sa Manubuan,
Matalam.
Isinasaad kasi sa nasabing resulosyon ang
CAPEX na gagastusin ng kooperatiba sa pagsasaayos ng mga sub-station,
transmission at iba pang pasilidad upang sa gayun ay maibibigay ng Cotelco ang
kalidad na serbisyo at maiwasan ang mga unplanned sa brown-outs sa mga service
area nila.
Posibleng makakalikom ang Cotelco ng abot sa
7B sa susunod na limang taon.
Pero, para kay Judge Yarra, hinikaya’t nito
ang kooperatiba na maglalagak ng puhunan sa pagpapatayo ng Geothermal Power
Plant na mismong ang kooperatiba ang personal na magpapatakbo upang magkaroon
ng sapat na supply ng kuryente ang probinsiya at maari pa aniyang magiging
income generating project.
Kaugnay nito, pag-aaralan naman ng pamunuan
ng Cotelco ang nasabing hakbang bagama’t nakatuon ang kooperatiba sa
distribution na siyang pangunahing serbisyo na ibinibigay nila. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento