Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga bagong halal na opisyal ng Kabacan, naiproklama na


(Kabacan, North Cotabato/ May 21, 2013) ---Bagama’t di sumipot sina Mayor-elect Herlo Guzman, Jr. at Vice Mayor-elect Myra Dulay, noong madaling araw ng Sabado sa kanilang proklamasyon, iginiit naman ng Comelec Kabacan na sila na ang opisyal na mga nanalo sa katatapos na halalan.

Ayon kay Kabacan Election Officer Josephine Macapas, naiproklama na ng Municipal Board of Canvassers ang mga bagong opisyal ng Kabacan na naihalal sa pwesto.


Matatandaan na noong Miyerkules din ng gabi ay opisyal na nagpalabas ng pronouncement ang Comelec sa Mayoralty race at Vice Mayoralty na di na maaapektuhan ang kanilang mga nakuhang boto.

Una ng naantala ang proklamasyon sa Kabacan dahil sa nagkaroon ng aberya sa dalawang CF Cards ng PCOS Machines.

Batay sa official result ng Comelec Kabacan as of May 18 sa Mayoralty race si Guzman ay nakakuha ng 16,614 votes, habang si Incumbent Mayor George Tan -11,522 votes habang si Jabib Guiabar ay nakakuha ng 2, 872 votes.

Samantala, kumpleto naman ang mga councilors elect ng Kabacan na dumalo sa kanilang proklamasyon noong aals 12:30 ng madaling araw noong Sabado.

Base sa datebase na nakuha ng DXVL News sa opisyal na resulta ng halalan buhat sa Comelec Kabacan, nangunguna bilang konsehal ng Kabacan si re-elected Jonathan Tabara na nakakuha ng 14,505 votes, sinundan ni Herlo Guzman Sr., 12,832; George Manuel-12,785; Ayesha Quilban-12,480; Reyman Saldivar-11,986; Glendale Tan-11,623; Datu Masla Mantawil-11,402 at Rhosman Mamaluba-11,387.

Sa Vice Mayoralty Race naman; iprinoklama naman bilang Vice Mayor elect si Myra Dulay na nakakuha ng 20,014 votes laban sa katunggali nitong si Datumaido Sultan na nakakuha lamang ng 7,599 votes.

May kabuuang 31,188 ang numero ng bumuto mula sa 40,559 na registered voters sa Kabacan buhat sa 58 clustered precincts.

Kaugnay nito, naging maayos at matiwasay naman sa kabuuan ang naganap ng eleksiyon sa Kabacan maliban na lamang sa mga naiulat na pag granada sa polling precincts ng Kabacan Pilot Central elementary School, isang araw bago ang halalan. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento