(Kabacan, North
Cotabato/ May 24, 2013) ---Ipinaliwanag ngayong umaga ni Kabacan election Officer
Josephine Macapas kung bakit nagkabaalam o natagalan ang pagbibigay ng
honorarium sa ilang mga Board of election Inspector o BEI.
Aniya, una ng nagbigay
kasi ng listahan ang Department of Education o DepEd sa Comelec ilang araw bago
ang eleksiyon.
Pero nagpalit ng mga
pangalan sa final listing ang mga BEI dahilan kung bakit ang ibang mga pangalan
ay di naisali sa nabigyan ng cash card number ng comelec.
Sinabi nitong ang ilan
sa mga guro na di nakapagserve sa eleksiyon ay na-downloadan ng cash na
honorarium.
Pero tiniyak naman
ngayong umaga sa DXVL News ni Macapas na maayos nila ang nasabing problema at
sinigurong mabibigyan na ng honorarium sa lalong madaling panahon ang mga deped
teachers na nag serve sa nagdaang eleksiyon. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento