(Kabacan, North Cotabato/ May 23, 2013) ---Unti-unti
na umanong nagkakasakit ngayon ang ilang mga evacuees buhat sa brgy. Sanggadong
sakop ng bayan ng Kabacan matapos na nagsilikas ang karamihan sa mga residente
doon simula pa nitong nakaraang gabi.
Ito ang nabatid mula kay Health Emergency
and Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon batay naman sa mga
report na kanilang natanggap mula sa erya.
Nabatid na apektado rin kasi ngayon ng
tension ang nasabing brgy dahil sa namataang presensiya ng armadong grupo sa
lugar resulta na rin ng nangyaring sagupaan ng MILF at MNLF sa Brgy. Marbel,
Matalam, North Cotabato.
Batay sa pinakahuling data ng MSWDO Kabacan
abot na sa 338 pamilya o katumbas ng 1,690 ang kabuuang indibidwal ang
nagsilikas mula sa brgy. Sanggadong at Dagupan kapwa mula sa bayan ng Kabacan
at ilang mga pamilya mula sa Brgy. Marbel sa Matalam.
Sa ngayon pansamantalang nanunuluyan ang mga
ito sa ilang pasilidad ng brgy Dagupan, Aringay, katidtuan at Malanduage.
Sa panayam ng DXVL kay Local Monitoring Team
Chair Jabib Guiabar nabatid na ang pinag-ugatan ng away ng dalawang grupo ay
rido ng pamilya at land conflict kungsaan ang daalwang pamilya ay kapwa
kanilang sa nabanggit na organisasyon.
Sumiklab ang labanan noong Mayo a-6 na
nagresulta ng pagkakalikas ng maraming pamilya.
Sinabi ni Guiabar na posibleng ngayong araw
ay pasukin nila ang erya at kausapin ang dalawang mga naglalabang grupo
matapos, isinagawa ang diyalogo sa Villa Oro resort sa Poblacion, Matalam.
(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento