(Matalam, North Cotabato/ May 21, 2013) ---Pormal
ng nagsimula ang ang Brigada Eskwela sa probinsiya ng North Cotabato kahapon ng
umaga.
Sa eksklusibong panayam ng DXVL News kay Kabacan
Pilot Central Elementary School Principal Annie Roliga isinagawa ang Kick off
activity sa Matalam National High School.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga heads at
superintendent ng Saranggani, Cotabato at Kidapawan Division kasama na ang Tacurong
at Sultan Kudarat Division.
Sinabi ni Roliga na layon ng nasabing
aktibidad na maihanda ang paaralan na maayos at malinis para sa pagbubukas ng
klase ngayong taon.
Kaugnay nito, ilan sa mga napansin nilang
dumi sa Kabacan Pilot Central Elementary School ay ang mga nagkalat na
Styrofoam na pinagkainan noong nagdaang halalan.
Bukod dito, binaklas din nila ang ilang mga
campoaign materials kasama ng Comelec ilang araw matapos ang halalan.
Sa ngayon, inaanyayahan ng Principal ang
lahat ng mga Non-government Organization o NGO, LGU, Pulisya at militar kasama
na ang mga magulang ng mga batang papasok sa Hunyo na makiisa sa kanilang
panawagang malawakang paglilinis sa mga paaralan, partikular sa KPCES hinggil
sa Nationwide na pagpapatupad ng Deped ng Brigada Eskwela. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento