Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

6 na mga sasakyan, kinarnap ng mga NPA sa Makilala, North Cotabato



(Makilala, North Cotabato/ May 23, 2013) ---Pinalaya ngayon ng mga pinaniniwalaang mga New People’s Army o NPA ang anim na mga driver’s ng mga nirentahang mga sasakyan na umano’y kinarnap at ginamit ng mga rebelde sa isinagawa nilang raid sa isang security agency sa Tagum City, Davao Oriental, kamakalawa.

Kinilala ni Senior Inspector Joyce Birrey, hepe ng Makilala PNP ang mga pinalayang  mga drivers na sina Armando Woamil ng Davao City, driver ng beige Mercedez Benz na may license plate number LXB 686; Orbil Bacaro ng Ma-a, Davao City at driver ng pulang Montero Sports na may plate LGC 129; Reynaldo Pedere ng Talomo, Davao City at driver ng silver Toyota Grandia at may license plate LGY 732; Hashim Moalid ng Datu Paglas, Maguindanao at driver ng green Hi-Ace Toyota van; Schmidt Apat ng Matina, Davao City at driver ng itim na Hyundai Starex na may license plate KCP 166 at Danilo Tamayong  General Santos City at driver ng gold Toyota Innova na may  license plate ZCX 871.

Una dito, anim na sasakyan ang sapilitang kinuha mula sa mga driver sa may barangay new Bulatukan Makilala alas dyes ng umaga nitong lunes , batay sa salaysay ng mga driver ng anim na sasakyan papunta na sana sila sa may barangay New esrael na sakop ng makilala upang sana sunduin ang mga foreigner na galing sa zipline ng bigla silang harangin ng mga armadong kalalakihan na nagpakilalang New people`s army (NPA )at agad sila pinababa at kinuha ang kanikanilang mga sasakyan saka sila dinala sa di malamang lugar sakay ng habal habal habang may pering ang kanilang mga mata.

Hindi naman sinakatan ang mga nasabing ang mga driver pinakain at inalagaan sila ,ayon pa ang kailangan umano ng mga NPA ang kanilang sasakyan at hindi sila gagalawin, Pinakawalan naman ng sinasabing mga NPA ang anim na mga driver alas sais ng umaga kahapon,
Ang nasabing mga drivers ay pansamantalang kinustodiya ng mga NPA sa isang nipa hut na matatagpuan sa Purok Nangka ng Barangay New Bulatucan dalawang kilometro ang layo mula sa national highway noong Lunes. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento