(Kabacan, North Cotabato/ May 24, 2013) ---Iginiit
ngayon ng Kabacan Chamber of Commerce na bigyang pansin ang matagalang solusyon
sa kuryente.
Ito ang sinabi kahapon ni Vice Pres for
Kabacan Chamber of Commerce Elizabeth Navarro sa isinagawang press conference
hinggil sa naging epekto ng mga serye ng pagsabog sa kalakaran ng negosyo sa
Kabacan.
Aniya maliban sa nabanggit na isyu malaking
kalugian din sa kanila ang mahabang power interruption.
Tinawag ni Navarro na “Terrible problem” ang
mahabang brownout hindi lamang sa Kabacan kundi maging sa ilang bahagi ng
Mindanao.
Bagama’t nakaranas ngayon ng tuloy-tuloy na
serbisyo ng kuryente ang ilang service erya ng Cotelco, partikular na ang
Kabacan simula noong eleksiyon, dapat pa rin umanong gumawa ng hakbang ang
gobyerno para sa pangmatagalang solusyon, ayon kay Navarro.
Hinamon din nito ang mauupong mga bagong
opisyal sa bayan at sa probinsiya na bigyang pansin ito dahil, aniya, hindi
sago tang mga generator set sa halip dapat i-work out ang 25 porsientong direct
line buhat sa Mount Apo Geothermal Plant. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento