Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Malinis na tubig pakikinabangan na ng limang purok sa North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ May 27, 2013) ---May mapagkukunan na ng malinis na tubig ang mga benepisyaryo ng Operation Blessing Foundation- Water and Sanitation Project ng Christian Broadcasting Network o CBN Asia Inc.

Nitong a-23 hanggang a-24 ng Mayo ay tinanggap ng mga benipisyaryo ang limang shallow wells mula sa nasabing non- government organization o NGO.


Makikinabang dito ang mga residente ng Purok 3 at Purok 1 sa Barangay Pentil, Aleosan, Purok Waling-waling sa Poblacion 2, at mga Purok 3 at 5 naman sa Poblacion 6 na nasasakop ng bayan ng Midsayap.

Nagmula sa nabanggit na NGO ang mga materyales at labor upang maisakatuparan ang nabanggit na water source project.

Samantala, responsibilad naman ng mga benepisyaryo ang pagtatayo ng maayos na masisilungan para sa natukoy na pasilidad.

Ayon kay Operation Blessing Project Coordinator Pastor Miguelito Garcia, mahalaga ang pagtutulungan at pagkakaisa ng mga mamamayan upang umunlad pa ang kanilang komunidad.

Hinikayat din ni Pastor Garcia ang mga benepisyaryo na alagaan ang ipinamahagi nilang water facility upang mapakinabangan ng susunod pang henerasyon.

Isinailalim na rin ng Midsayap Municipal Health Services Office sa water testing procedures ang tubig na nakuha mula sa limang shallow wells.

Katuwang ng Operation Blessing sa pagpapatupad ng proyektong ito ang mga lokal na pamahalaang pambarangay at ang Congressional District Office ni Rep. Jesus Sacdalan.(Roderick Bautista)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento