Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ilang mga pamilya na nagsilikas buhat sa isang brgy ng Kabacan, nakabalik na

(Kabacan, North Cotabato/ May 27, 2013) ---Unti-unti ng nakabalik sa kanilang pamamahay ang ilang mga residente na naapektuhan ng tensiyon sa brgy. Sanggadong, Kabacan, North Cotabato.

Sa panayam ng DXVL News kay 7th Infantry Battalion commanding Officer Lt. Larry Valdez tiniyak ng tropa nila na makakabalik ng maayos ang ilang mga residente na naapektuhan ng nasabing girian ng dalawang pamilya sa lugar.


Inaasahang mag-uusap ang dalawang pamilya na sangkot sa nasabing kaguluhan.

Sa hiwalay na panayam sa opisyal sinabi nitong ang nangyaring tensiyon sa brgy. Sanggadong ay walang kinalaman sa nangyaring sagupaan ng MILf at MNLF sa brgy. Marbel, Matalam, Cotabato.

Noong nakaraang linggo nagbigay na nang tulong ang MSWDO Kabacan sa mga bakwit, kasama ang RHU Kabacan nilibot din nila ang mga pamilyang apektado kungsaan namigay ng mga gamot ang mga ito sa ilang mga bakwit na nagkakasakit.

Matatandaang abot sa higit Tatlong daang mga pamilya ang nagsilikas mula sa nabanggit na brgy dahil sa takot na madamay ng mamataan ang presensiya ng armadong grupo sa lugar. (Rhoderick Beñez)




0 comments:

Mag-post ng isang Komento