Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 katao biktima ng salvaging sa North Cotabato, wala pang pagkakakilanlan

(Kabacan, North Cotabato/ May 28, 2013) ---Hanggang ngayon ay wala pa ring pamilya ang umaako sa pagkakakilanlan ng dalawang mga biktima ng salvaging sa magkahiwalay na lugar sa North Cotabato.

Sa report ng pulisya unang nakita ang bangkay ng isang lalaki na palutang-lutang sa Pulangi river sa Brgy. Buluan, Kabacan.

Naagnas na umano ang nasabing bangkay kungsaan inilibing na ito kahapon ng mga pulisya.

ang nasabing bangkay ay isang lalaki nakasuot ng puting jacket at naka t-shirt na kulay pula, asul na underwear at wala na umanong pang-ibabang damit.

May suot umano ang di pa nakilalang biktima ng kulay pulang motorcycles gloves, kwentas na may kulay dilaw na tribal pendant, sports wrist na kulay itim na relo at pula.

Nasa 5’3 hanggang 5’7 umano ang taas ng nasabing bangkay, ayon sa opisyal.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng Kabacan PNP, nabatid na may saksak umano  sa kaliwang kili-kili ang nasabing biktima na nasa stage of decomposition na.

Maliban dito, isang ring naagnas na bangkay ang nakita sa ilog ng Tawan-tawan, Carmen, North Cotabato kungsaan naaagnas na rin ito.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya posibleng itinumba ang dalawa sa ibang lugar at ipinaanod ang mga bangkay nito sa ilog.


Pareho kasing walang pang-ibabang damit ang dalawa ng makitang palutang-lutang sa ilog. (Rhoderick Beñez/ 09494939462)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento