Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bangkay, natagpuan palutang-lutang sa ilog Pulangi ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ May 27, 2013) ---Na-a-agnas na ng makita ang isang bangkay na palutang-lutang sa Pulangi River sa Brgy. Buluan, Kabacan, Cotabato alas 7:00 kahapon ng umaga.

Partikular na nakita umano ang nasabing bangkay malapit lamang sa coconut plantation na pag-mamay-ari ng isang Datu Gumbay Mantawil.


Ayon sa report ni 7th IB Commanding Officer Lt. Larry Valdez ang nasabing bangkay ay isang lalaki nakasuot ng puting jacket at naka t-shirt na kulay pula, asul na underwear at wala na umanong pang-ibabang damit.

May suot umano ang di pa nakilalang biktima ng kulay pulang motorcycles gloves, kwentas na may kulay dilaw na tribal pendant, sports wrist na kulay itim na relo at pula.

Nasa 5’3 hanggang 5’7 umano ang taas ng nasabing bangkay, ayon sa opisyal.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng Kabacan PNP, nabatid na may saksak umano  sa kaliwang kili-kili ang nasabing biktima na nasa stage of decomposition na. (Rhoderick Beñez)



0 comments:

Mag-post ng isang Komento