Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit sa 1 libung mga residente sa isang brgy sa Matalam, nagsilikas na naman matapos mamataan ang presensiya ng armadong grupo sa lugar

(Kabacan, North Cotabato/ May 30, 2013) ---Nagsilikas ang abot sa 1,140 na mga indibiduwal mula sa Sitio Tagaticin at Sitio Budchi buhat sa Brgy. Ilian ng bayan ng Matalam makaraang mamataan ng mga ito ang presensiya ng mga armadong grupo na pinaniniwalaang kasapi ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.

Sa report na ipinarating ni SP01 Froilan Gravidez sa DXVL News, muli umanong nilisan ng mga residente ang kanilang lugar dahil sa tensiyong nangyari noong Lunes ng mamataan ang abot sa 100 kasapi ng armadong grupo na ayon sa report ay buhat sa Kabacan.

Kaugnay nito, nagsagawa ng imbestigasyon ang Pulisya sa pamumuno ni Provincial Director S/Supt. Danilo Peralta ng at ng militar para alamin ang nasabing report kung bakit may mga presensiya ng armado sa lugar ng sa gayung may napagkasunduan namang Memorandum of Agreement o MOA ang mga ito.

Nakipag-ugnayan ang pulisya at sundalo kay Local Monitoring Team Chair Jabib Guaibar at kay Kumander Jonar Mustapha ng 110th Base Command ng MILF, pero wala umanong alam ang mga ito sa presensiya ng armadong grupo sa Brgy. Ilian.

Ang nasabing grupo ay lumabag sa MOA particular na sa paragraph 4,5 at 6 na kanilang nilagdaan.

Sa ngayon, pansamantalang nanunuluyan ang mga IDP’s sa brgy. Hall ng Brgy. Kilada, Matalam. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento