(Kabacan, North Cotabato/ May 30, 2013) ---Abot
sa 2,500 na mga support staff at mga board of election inspectors o BEIs na
nagsilbi noong May 13 local elections sa probinsiya ang di pa nakatanggap ng
kanilang honorarium mula sa Commission on Elections o (Comelec).
Ayon kay Cotabato Provincial Election
Supervisor Kendatu Laguialam may 2,817 mga guro ang probinsiya ang nagsilbi
bilang BEIs noong nakaraang halalan at may kabuuang 2,203 na support staff.
Sa nabanggit na bilang ng mga BEIs, 800 pa
lamang ang nabayaran sa pamamagitan ng kanilang cash cards habang ang iba naman
ay nabigyan sa pamamagitan ng kanilang automated teller machine (ATM) accounts.
Pero ang ilang mga guro na nagsilbi bilang
support staff ay hanggang ngayon di pa nakakatanggap ng kanilang election
honorarium.
Ang nasabing sumbong ay una na ring
inireklamo ng ilang mga guro sa Kabacan na nagsilbi noong nakaraang halalan na
di pa rin nabayaran kagaya ng 89 na mga support staff at BEIs din sa bayan ng
Arakan ang di pa nabayaran, ayon kay municipal acting officer Joel Celis.
Ipinaliwanag naman ni Laguialam na di naka
tanggap ang ilang mga BEIs ng kanilang mga honoraria dahil sa bigong naka-apply
ang mga ito ng kanilang cash card.
Aniya, may mga pangalan umanong hindi
kabilang sa listahan na naisumite ng Department of Education (DepEd) North Cotabato sa Comelec.
Inamin ni Laguialam na hindi kasi nagkaroon ng proper
coordination ang head office ng comelec sa mga election officer ng munisipyo
bago nila isinagawa ang pagdeposito ng bayad .
Sa ngayon nagsumite na ng bagong listahan ang comelec North
cotabato ng mga listahan ng mga nagsilbi sa eleksiyon para mabigyan na ng
honorarium ang mga ito sa nagdaang eleksiyon sa lalong madaling panahon.
(Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento