(Kabacan, North Cotabato/
May 30, 2013) ---Bagama’t may bahagyang pagtaas sa presyo ng bigas sa loob ng
pamilihang bayan ng Kabacan, nananatili pa rin sa dati nitong halaga ang
bentahan ng kada kilo ng bigas sa bayan.
Batay sa impormasyong
nakalap ng DXVL News Price alert, naglalaro ngayon ang kada kilo ng bigas mula
P30.00 hanggang P36.00 ang bawat kilo.
Ang RC 18 ay
nagkakahalaga ngayon sa P33.00 kada kilo, V-64 P34 per kilo; Tonner P35;
Masipag P35; Matatag P32; V-55 P32 at M3 P33 at MI Spotted P30.00.
Ang nasabing halaga ng
bigas ay base sa presyuhang ipinapatupad sa loob ng Kabacan Public Market.
Nabatid na ang bayan ng
Kabacan ay tinaguriang palabigasan ng probinsiya ng North Cotabato kungsaan ang
palay ang isa sa mga itinuturing pangunahing produkto nito. (Rhoderick Beñez
with reports from Jijarah Didatar)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento