(Kabacan, North Cotabato/ May 28, 2013) ---Para
maiwasan ang anumang diskriminasyon at pagiging eksklusibo, nais ngayon ng
isang mataas na opisyal mula sa Office of the Presidential Adviser on the Peace
Process o OPAPP na magsagawa ng ebalwasyon sa mga guro hinggil sa mga datos at
wika na kanilang ginagamit.
Ito ang sinabi ni OPAPP Assistant Secretary
Jennifer Oreta sa katatapos na kumprehensiya
ng Asia-Pacific Network for International Education and Values Education
(APNIEVE) kasabay ng paghikayat sa mga guro na maging kabahagi sa pagtaguyod ng
kapayapaan sa kabila ng iba’t-ibang kultura meyron tayo.
Sa kanyang mensahe,
iginiit nitong sa pamamagitan ng pagpapalit ng pananaw at paglagot sa mga
tanikalang sumisimbolo sa pagkawatak-watak ng bawat isa ay maibsan ang
diskriminasyon.
Minsan umano, gumagamit
ang ilan ng mga salitang di angkop gamitin na nakakainsulto sa ilang cultural
groups.
Tinukoy pa nito na ang
paaralan ang may malaking papel na ginagampanan sa multi-culturalism dapat
umanong maglalagay din ng silid dalanginan para sa ilang mga relihiyon o sekta.
Bukod dito, dapat din
umanong maghanap ng pamamaraan ang isang paaralan na maglagay ng mga halal
foods para sa mga kapatid na muslim para sa di na sila mahirapan pang humanap
ng mapagkainan.
Hinamon din ni Oreta ang
mga guro at ang mga namumuno sa eskwelahan na gumawa ng hakbang hinggil sa
kasalukuyang sitwasyon ng sistema ng edukasyon sa bansa. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento