(Midsayap,
North cotabato/ May 30, 2013) ---Mahigit dalawandaang mga magsasaka ang
magtutulong- tulong ngayong araw upang linisin ang bumarang buhangin o silt sa
main canal ng National Irrigation Administration Libungan River Irrigation
System o NIA- LibRIS.
Pawang
kasapi ng irrigators associations mula sa mga bayan ng Midsayap, Pigcawayan,
Libungan at Northern Kabuntalan o MPLK Federation of Irrigators Associations
ang mga magsasakang magbabayanihan.
Ayon
kay MPLK Federation of IAs President Dante Cudal, gagawin nila ito bilang
paghahanda sa muling pagbubukas ng nasabing irrigation facility sa Hulyo.
Sinabi
rin ni Cudal na ang inaasahang pagpapakawala ng tubig ng Libungan RIS sa
susunod na buwan ay hudyat na pwede nang makapaghanda ang mga magsasaka sa
kanilang mga palayan.
Kung
matatandaan ay nagsagawa ng preventive closure ang NIA-LibRIS sa mga
pangunahing kanal na nasasakop nito upang bigyang daan ang malawakang
concreting of canal lining projects ng gobyerno dito sa distrito uno ng North
Cotabato.
Ang LibRIS main canal ay matatagpuan mismo
sa harap ng tanggapan ng NIA Region 12 at Libungan RIS office sa Barangay Villarica,
Midsayap, North Cotabato. (Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento