(Midsayap,
North Cotabato/ May 28, 2013) ---Patuoy na ipinapatupad sa Unang Distrito ng
North Cotabato o PPALMA area ang Liwanag Para Sa Kapayapaan Free Cataract
Screening and Operation.
Tuwing
araw ng Lunes ay isinasagawa ang screening ng mga pasyenteng nais sumailalim sa
libreng operasyon ng pag-aalis ng katarata.
Ginagawa
ang nabanggit na aktibidad sa tanggapan ng Unang Distrito ng North Cotabato sa
Poblacion 8, Midsayap kung saan isinasailalim muna ang mga pasyente sa
oryentasyon at dagdag na pagpapaliwanag kung anung mga dokumento ang kailangan
nilang maihanda.
Ayon
kay Congressional District Special Operations Unit Head Benny Queman, kailangan
munang magsumite ng test results ang mga pasyente kung kwalipikado ba silang
sumailalim sa aktwal na operasyon.
Dagdag
ni Queman, mainam umanong may Philhealth membership at sumailalim sa mga
pagsusuri tulad ng electrocardiogram, fasting blood sugar, at x-ray ang mga
pasyente.
Sa
gabay ng congressional staff, grupo o ‘by batch’ na dinadala ang mga cataract
patients sa Davao City upang doon operahan.
Magkatuwang na isinusulong ang programang
ito sa PPALMA area ng Mabuhay Deseret Foundation at ng Congressional District
Office ni Rep. Jesus Sacdalan. (Roderick Bautista)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento