(Kabacan, North Cotabato/ May 30, 2013) ---Malaki ang ibinaba ang enrolment
ng University of Southern Mindanao o USM, isa sa pinakamalaking state University sa bahaging ito ng Mindanao.
Abot lamang sa mahigit sa tatlong libong estudyante o 3,540 ang officially enrolled sa Pamantasan
as of 9am kahapon ng umaga.
Ito ang nabatid ng DXVL News mula kay University Registrar Lucia
Cabangbang kungsaan malaking porsiento umano ang ibinaba ng enrolment ng Unibersidad
sa unang semester ng School Year na ito.
Sinabi rin ng opisyal na malaki ang epekto umano ng nagdaang gusot sa Pamantasan
kung bakit marami sa mga estudyante ang lumipat ng kanilang mapapasukang
paaralan sa tertiary level.
Matatandaang nitong nakaraang School Year abot sa higit sa sampung libu
ang estudyante ng USM sa Main campus sa tertiary bukod pa sa ULS at mga nasa
graduate school na siya’ng nagpapasigla ng ekonomiya ng Kabacan.
Dagdag pa ni Cabangbang na karamihan umano sa rason ng mga mag-aaral ng
USM kung bakit lumipat ang mga ito dahil sa “Peace and Order”.
Sa nabanggit na bilang, posibleng madagdagan pa umano ng higit isang libu
ang mag-aaral ng University dahil marami pa ang nag-poproseso ng kanilang
enrolment, ayon kay Cabangbang.
Base sa Data ng University Registrar kahapon, abot na sa 750 na mga
datihang estudyante ang nag-tranfer at marami pa umano ang nag-poproseso ng
kanilang separation form.
Hanggang sa susunod na linggo na lamang umano ang palugit sa enrolment ng
Pamantasan at magsisimula na ang klase sa Hunyo a-3. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento