Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

RHU Kabacan, nababahala na sa mataas na kaso ng dengue; 75% brgy sa bayan apektado ng nasabing sakit

(Kabacan, North Cotabato/ May 28, 2013) ---Nababahala na ngayon ang Municipal Health Office ng Kabacan sa mataas na kaso ng dengue sa bayan.

Sa pinakahuling data na nakuha ng DXVL News sa RHU pumalo na ngayon sa pitumpu’t limang porsiento o katumbas sa kabuuang 18 mga barangay ang apektado ngayon ng naturang sakit.

Sa ulat ni Disease Surveillance and Health Emergency management Coordinator Honey Joy Cabellon abot sa mahigit sa isangdaang mga indibidual na ang isinugod sa iba’t-ibang mga ospital dito sa Kabacan dahil sa dengue mula buwan ng Enero hanggang sa kasalukuyan.

Sa bilang na ito pinakamataas pa rin na kaso ang naitala sa Poblacion, sinundan ng brgy. Osias, Kayaga, Aringay, Cuyapon, Dagupan, Katidtuan, Kilagasan, Lower Paatan, Magatos, Malamote, Malanduage, Nangaan at Pisan.

Kaugnay nito, muling nagpaalala ang pamunuan ng RHU Kabacan na pinamumunuan ni Dr. Sofronio Edu, Jr na palakasin pa ang information education campaign kontra dengue, bukod pa sa pagsasagawa ng regular clean up drive sa mga puroks sa bayan.

Iginiit pa nito na magsagawa ng monitoring at reporting ng dengue cases sa kanilang tanggapan.
At ang mahigpit na pagpapatupad ng 4S campaign ng DOH kontra sakit na dengue: 1. Search and Destroy; 2.Seek medical consultation; 3.Say no to indiscriminate fogging; 4.Self-protection measure. (Rhoderick Beñez)

                                                                                                                                                                                                                                                         

0 comments:

Mag-post ng isang Komento