Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 Patay, 2 sugatan sa nangyaring pag-atake sa isang Subdivision sa Kidapawan City


(Kidapawan City/ May 23, 2013) ---Patay ang mag-asawang may ari ng isang hardware habang sugatan naman ang dalawang trabahante nito makaraang ratratin ang mga ito ng mga di pa nakilalang mga suspek sa loob ng kanilang pamamahay sa isang Subdivision sa Kidapawan City alas 10:30 kagabi.

Kinilala ni Supt. Chino Mamburam, hepe ng Kidapawan City PNP ang mga biktima na sina Gina Bayhon, may bahay ng dating military Officer habang patay din ang ka-live in nito na may-ari ng Donamae Hardware na si Kenneth Gelloriza.

Sugatan din ang dalawang mga trabahante ng nasabing hardware na sina Faith Penaflorida at Ivy Penalosa.

Ayon sa report, kararating lamang umano ng mga biktima sa kanilang bahay ng pinaulanan ng bala ang mga ito ng riding in tandem gamit ang armalite rifle.

Mabilis namang isinugod ang mga biktima sa bahay pagamutan sumablit ideneklarang dead on arrival sa hospital sina Bayhon at Gelloriza habang nagtamo naman ng iba’t-ibang tama ng bala sina Penaflorida at Penalosa.

Naniniwala si Mamburam na posibleng personal grudge o di kaya may kinalaman sa negosyo ang sinusundan nilang motibo sa nasabing pamamaril.

Nabatid na si Bayhon ay may nakabinbing kaso sa korte.

Aminado si Mamburam na ang mga suspek ay gun for hire.

Pero pinagtatakhan nito kung bakit sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng gun ban sa lungsod ay nakakalusot pa rin ang mga kriminal sa pagdadala ng matatas na uri ng baril. (Rhoderick Beñez)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento