(Kabacan, North Cotabato/May 23, 2013) ---Mariing
itinanggi ngayon ni Kabacan Ambassadress for Peace Luzviminda Tan na may
kinalaman siya sa pagpaslang sa namayapang bise alkalde ng Bayan na si
Policronio Dulay.
Ito ang inihayag ng Unang Ginang sa isang
press conference na isinagawa kahapon sa Municipal Hall para matuldukan na ang
mga haka-haka na siya umano ang mastermind sa Dulay’s Killing.
Aniya, matalik na kaibigan umano ni Kabacan
Mayor Goerge Tan si Dulay at di nila magagawa ang nasabing krimen para lang sa
kapakanan ng pulitika.
Iginiit pa ng unang ginang na matiwasay na
bababa sa pwesto si Mayor Tan sa Hunyo a-30 at patutsada pa nito sa mga
katunggali sa pulitika na kung maari ay iwasan na ang maruming pulitika.
Aminado ang opisyal na sa kanilang
administrasyon sa loob ng higit sa labin isang taon at dalawang buwan ay naayos
nito ang Kabacan naging masaya at naging maayos ang sitwasyon ng bayan.
Naging masayang naman umano si Kabacan Mayor George Tan at taos
pusong tinanggap nito ang naginghatol ng bayan sa kanya at ngayon ay matutukan
na nito ang kanilang negosyo, dagdag pa ng unang ginang.
Aniya ang gusto nito sa Kabacan ay maging
kanais nais na bayan para tirhan at di dapat katakutan.
Ginawa ng opisyal ang pahayag sa ipinatawag
nitong punong balitaan sa mga kagawad ng media dahil masakit para sa kanya ang
mga bentang na may kinalaman umano siya sa pagkamatay ni dating vice Dulay.
Sinabi pa nito na paninira lamang sa
kasalukuyang administrasyon at ginamit lamang ang isyu sa pulitika para idiin
ang kanyang pangalan sa krimen.
Samantala, sa
kabila ng ginawa nila ang lahat sa katatapos na halalan, tinukoy nitong na outsmart
pa rin sila sa nagdaang eleksiyon.
Aniya, mali umano ang mga umuugong na report
na hindi tanggap ng Pamilya Tan ang kanilang pagkatalo.
Bukod dito, nilinaw ng Unang Ginang na hindi
nila Gawain ang pagpatay taliwas sa mga reports na magpapatuloy umano ang
patayan kung mananatili ang Tan sa pwesto.
Sinabi nitong sa pulitika may mananalo at
may natatalo kung kayat ang buhay nila ay di lang iikot sa pulitika bagkus isa
itong malaking legacy na kanilang iiwan sa Kabacan bilang isang public servant.
Nakalagay sa isang booklet ni dating Mayor Luzviminda Tan ang mga
nagaganap na pambobomba sa Kabacan noong kanyang administrasyon.
Aniya, hind pa siya naka-upo sa pwesto ay
may mga kahalintulad ng mga insedente sa bayan.
Doon rin naka-dokumento ang lahat ng mga
pangyayari kung bakit may mga pagsabog at pambobomba sa bayan.
Pero aniya, marami pa rin ang naniniwala sa
kanyang liderato lalo na sa dating mga kasamahan sa trabaho sa munisipyo.
Nagspasalamat din siya sa mga nagsuporta
lalo na sa mga bumoto at nailuklok sa pwesto bilang konsehal si Atty. Glendale
Tan.
Aniya ang batang Tan at ang mga baguhang
opisyal ay tinawag niyang “BIMPO”
Batang Iniluklok ng Magulang sa Politika”.
Kaugnay nito, base sa isinagawang malalimang
imbestigasyon ng Kabacan PNP sinabi ni Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP na
ang mga nagaganap na serye ng explosion noong kasagsagan ng eleksiyon ay mga
third party umano ang nasa likod na nais
lamang ay mananabotahe sa maayos na imahe ng Kabacan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento