Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Anak ng Radio Announcer sa Kidapawan city, nakuryente; patay


(Kidapawan city/ May 22, 2013) ---Patay ang 40-anyos na anak ng radio broadkaster makaraang makuryente sa harap ng istasyon ng Radyo sa Kidapawan city alas 10:20 ng umaga noong (May 21, 2013).

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Marlon Gonzales, 40 anyos, may asawa at anak ni Romulo Gonzales, anchorman ng programang Debate tuwing alas 7 hanggang alas 8:00 ng umaga sa 90.3 Charm Radio.


Ayon sa ulat ng pulisya nanunungkit ng bunga ng mangga ang biktima gamit ang mahabang stainless na bakal sa harap ng himpilan nito ng aksidenteng masagi ang live wire ng Cotabato Electric Cooperative, Inc, o (Cotelco).

Dahil sa lakas ng boltahe ng kuryente at tumilapon ang biktima mula sa kanyang kinatatayuan.

Agad itong naisugod sa isang pagamutan sa Kidapawan City ngunit dina umabot ng buhay.

Nakahanda namang tumulong ang may-ari ng Charm Radio na si dating Congressman Atty Gregorio”Greg” Andolana sa pamilya ng biktima. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento