Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(Update) Mga residenteng naapektuhan ng girian ng MILF at MNLF sa Matalam, unti-unting ng nag-uwian

(Matalam, North Cotabato/ June 17, 2014) ---Tiniyak ng pamunuan ng Matalam PNP na binbantayan nila ang seguridad sa National Highway matapos ang nangyaring engkwentro sa pagitan ng pangkat ng MILF at MNLF sa Sitio Mateo, Barangay Manubuan, Matalam, North Cotabato kamakalawa.

Sa panayam ng DXVL News kay CPPO Spokesperson Senior Inspector Jojit Nicolas na unti-unti na ring bumabalik sa normal ang sitwasyon sa lugar.

makaraang magkasagupa ang grupo ng Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front kahapon ng umaga.

Batay sa ulat, Nag-aani umano ng saging ang ilang myembro ng MILF nang paputukan ito ng armadong MNLF.

Kaagad naggantihan ng putok ang dalawang Moro Fronts dahilan nang pagsilikas ng mga sibilyan.
Humupa lamang ang putukan nang dumating ang Peacekeeping Force ng militar, pulisya, kasama ang MILF Ceasefire Committee at International Monitoring Team.

Samantala Abot naman sa mahigit isandaang residente nga ngayon ay unti unti nang bumabalik sa lugar.


Nabatid na hindi ito ang unang sagupaang nangyari sa pagitan nina MILF Commander Oscar matiagal at MNLF Comamander Mano Sandab. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento