(Kabacan,
North Cotabato/ June 20, 2014) ---May mga pangyayari mang hindi maganda sa
nakalipas na mga buwan ay tuloy pa rin ang mga aktibidad sa pagdiriwang ng
ika-45 anibersaryo ng bayan ng Alamada.
Nakasentro
ang selebrasyon sa temang, “Padayon sa Pagbuylog Katawhan sa Mabinungahong
Pagkab- ot sa Kalinong kag Mauswagong Banwang Alamada.”
Ilan
sa mga pangunahing aktibidad kaugnay ng selebrasyon ay ang Clean and Green
Evaluation na linahukan ng labing- pitong barangay ng bayan, agri- trade fair,
iba’-t ibang sporting events, socio- cultural competitions, at anniversary
culmination program.
May
26 pa nang sinimulan ang month- long celebration nga anibersaryo ng Alamada at
magtatapos sa culmination program bukas, June 21.
Nais
namang iparating ng panauhingpandangal na si North Cotabato First District Rep.
Jesus Sacdalan ang pakikiisa nito sa pagdiriwang at pinuri ang pagiging matatag
ng mga mamamayan sa kabila ng dagok na dulot ng outbreak nitong nakalipas na
buwan.
Hinikayat
din ng opisyal ang mga mamamayan na ipagpatuloy ang pagkakaisa upang makamait
ang tuloy- tuloy na kaunlaran at kapayapaan sa bayan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento