(Kidapawan City/ June 23, 2014) ---Kulungan
ang bagsak ng 30-anyos na misis kasama ang katulong nito ng makuhanan ng
illegal drugs na shabu sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa bahagi bg
Black 3, Gawad Kalinga, Muslim Village, Brgy. Sudapin, Kidapawan City alas 6:00
ng umaga nitong Sabado.
Kinilala ni P/Supt. Leo Ajero, Kidapawan
City PNP Director ang suspek na si Normina Santos Sultan kasama ang kasmbahay
na di kinilala sa report matapos na marekober sa kanya ang iba’t-ibang laki ng
plastic heat sealed na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu.
Hinuli ang Misis makaraang hindi na nadatnan
ng mga pulis ang asawa nitong si Allan Sultan na binabaan ng search warrant
hinggil sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang search warrant number 45 ay inilabas sa
sala ni Judge Arvin Savery Balagot kaya nahuli ang mga suspek.
Sa ngayon patuloy namang pinaghahanap si
Allan habang nasa kustodiya nan g Kidapawan city PNP ang dalawa. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento