(Kidapawan City/ June 23, 2014) ---Kung ang pamunuan
ng Kidapawan City Disaster Risk Reduction Management Council ang tatanungin,
hindi nag-pull-out ang Joint Ceasefire Monitoring Post kundi inabandona nila
ang kanilang tungkulin sa Sitio Nazareth, Amas, Kidapawan City.
Ito ayon kay CDRRM Head Psalmer Bernalte
makaraang walang abiso na ginawa ang JCMP sa kanila.
Ayon naman kay Local Monitoring Team Jabib
Guiabar na umalis ang tropa ng Joint Ceasefire Monitoring Post dahil sa hindi
tinupad ng City LGU ng Kidapawan ang kanilang kasunduan tulad ng accommodation,
pagkain, tubig, ID kasama na ang pangakong pagbibigay ng cellphone at load pero
bigo umanong maibigay ito ng LGU.
Isa lamang ito sa mga dahilan kung kaya’t
nilisan ng Joint Ceasefire Monitoring Post ang kanilang tungkulin na
pagbabantay sa katahimikan sa lugar.
Inilagay ang Joint Ceasefire Monitoring Post
sa lugar upang magmantina ng kapayapaan makaraang sumiklab ang kaguluhan sa mga
settlers ng Patadon at Sitio Nazareth na nag-iwan ng tatlo katao ang patay sa
pinag-aawayang lupa ng Central Mindanao Integrated Agricultural Research Center
(CEMIARC) ng Department of Agriculture.
Sa ginawang panayam ng DXVL News kay
Bernalte, depensa nito na hindi nagkulang ang Kidapawan City LGU bagkus ay
tinupad nila angpaglalagay ng tulugan at palikuran.
Aniya, napagkasunduan na P50,000 ang dapat
na ibibigay ng Provincial government at worth P20,000 naman na food items ang
CEMIARC.
“Halos lahat nalang ng tulong ay mula sa
City LGU kaya wag nilang sabihin na di ito tinupad ng Kidaapwan City LGU unfair
yun” wika pa ni Bernalte.
Kaugnay nito, ngayong araw ay kanilang
pag-uusapan sa Crisis committee na maglalagay ng panibagong Peace Keeping team
upang maiwasan ang muling pagsiklab ng kaguluhan sa nasabing lugar. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento